Laman ng balita ang nangyaring kalamidad sa Las Palmas. Isang-daan at limamput’t tatlo ang nasawi sa trahedya, kasama na ang limang trabahador sa Universidad, apat na pulis at tatlong social worker na tumutulong sa paglikas ng mga naninirahan sa limang barangay sa tabi ng ilog ng Kawayan Kiling. Ang tanging mabuting balita na lamang dito ay walang nasawing matatanda at bata, bagama’t may iilang kababaihang hindi nakalikas, o kaya ay matitigas ang ulo na nagpaiwan at nakabilang sa mga namatay. Umabot sa sampung milyong piso ang halaga ng naging pinsala sa mga ari-arian, sakahan at palaisdaan. Ayon sa estimates, maaaring abutin ng isang-daang milyon o mahigit pa ang gagamitin para linisin ang kapaligiran at ang lawa sa lasong nagmula sa imbakan ng dumi at kemikal na itinae ng Universidad at siyang rumagasa paibaba tungo sa lawa.
Napuruhan nang husto ang limang barangay ng bayan, samantalang ni hindi man lang naapektuhan ang malawak na campus ng University of South-Central Philippines. Apektado rin ang apat na barangay sa may paanan ng bundok na hindi ngayon maabot nang sasakyan dahil nasira ang tulay na kumukonekta sa kanila patungong poblacion.
Dinumog ng media ang Las Palmas, at maging ang mga environmental groups sa Maynila ay nagpadala na ng kanilang mga sariling teams. Ipinag-utos ng Pangulo ng bansa ang isang state of calamity sa buong bayan.
At nangyari na nga ang kinakatakutan ng mga Valderrama. Lumabas at naihayag sa media ang mga usap-usapan na dati ay mga pabulong lamang, ngunit ngayon ay tahasan nang naging lantaran dahil nagmula mismo sa bibig ng mga nasalantang mamamayan. Matagal na nilang inirereklamo ang imbakang yun ng Universidad ng mga Valderrama. Nakalkal ng media at pinalaganap pa ng mga advocacy groups ang anomalyang nangyari sa bilihan ng lupa, at sa pagbebenta ng pamahalaang bayan ng lupaing iyon, na nausisa na sa loob pa pala ng tinatawag na forest reserve, sa mga Valderrama. Naungkat ang mga pangungupit na nangyari, at kung dati ay takot ang mga taong pag-usapan ang papel na ginampanan ni Eric Valderrama sa maanomalyang transaksyon, ay naging hayagan na ang usap-usapan tungkol dito. At nabungkal din ang matagal nang pinatahimik na usap-usapan sa aksidenteng ikinamatay ng empleyado ng munisipyo na nag-ingay noon tungkol sa bilihan.
Sa Senado at Kongreso, nagbigay ng privilege speeches ang ilang senador, kasama na si Senadora Maria Victoria Tutaan at Senador Guillermo Punzalan, at ang Kongresistang kumakatawan ng distritong kabilang ang Las Palmas na si Henrietta de Mesa. Nagpatawag ng imbestigasyon ang Senado at ang Kongreso.
Samantala, nanguna ang Tanggol Lupa, Tubig at Hangin na pinamumunuan ni Propesor Alexis Principe sa mga kilos-protestang ginanap hindi lamang sa bayan kungdi pati na rin sa loob ng campus. Suportado ng University Student Government ang pagkilos, at ang mga pinuno nito ay nanawagan ng malawakang kilos protesto at pag-walk out sa mga klase nila. Suportado ng Union ang mga kilos protestang ito, at nagkaroon pa ng isang emergency meeting ang general assembly ng union para pagtibayin ang suportang ito. At bagama’t nalulungkot si Propesor Alejandro Maravilla sa nangyaring trahedya, hindi niya mapigilang magbunyi sa loob-loob niya dahil alam niya na tuluyan nang nabahiran ang mga Valderrama. Tuluyan na silang nahubaran hindi lamang sa mata ng kanilang nasasakupan sa loob ng Universidad, kundi sa bayan at sa buong bansa.
Nalalapit na ang kanilang pagbagsak. Masama mang isipin, pero dala na siguro ng paninibugho ay hindi niya napigilang magpasalamat sa bagyong dumaan dahil ito ang nagtulak para gumuho hindi lamang ang imbakan ng tae at dumi ng Universidad, kundi para magsimulang gumuho ang dinastiyang kanyang kinasusuklaman. Alam niyang ikatutuwa din ito ng kanyang Lola Mercedes. Hindi man niya ninais, at masama mang isipin, ang mga namatay sa trahedya ang nagsilbing alay para mapadali ang pagbawi nila sa dapat namang sa kanila noon pa.
Dumating ang araw ng libing ng mga nasawi sa trahedya. Nagmistulang isang malaking rally ang misa na ginanap sa simbahan para sa isang daan at limampu’t tatlong nabiktima, na inorganisa ng Tanggol. Bagama’t meron ding mga ilan sa bayang tumututol sana, na kasama ang ilang kamag-anak ng mga namatay ang nag-atubili na gawing isang malaking spektakulo ang sana ay para lamang sa mga kaibigan at kamag-anak na nakikiramay. Ang ilan sa kanila naman ay may halong takot pa rin sa mga Valderrama, lalo na doon sa mga kamag-anak ng mga manggagawa sa Engineering and Campus Services office ng Universidad na nakasamang nasawi habang kinukumpuni nila ang biyak sa dam bago ito tuluyang nawasak at gumuho. Kalaunan ay napakiusapan sila ng Tanggol na makisama na rin sa mass burial rites na gaganapin.
Lumabas din ang usap-usapan na tinatakot ni Eric ang mga pamilya nila, bagama’t mariin itong itinanggi ng mga pamilya ng nasawi.
Lalong nagdagsaan ang media, at lalo pang dumami ang mga dayong nakiusyuso at nakisimpatiya. Nagpadala din ng crew ang CNN, BBC, Al Jazeera at iba pang global news networks, at lahat sila ay nagreport ng live habang nagaganap ang misa at ang prusisyon ng libing papuntang sementeryo.
Dumalo sa misa at nagsalita si Senadora Tutaan, Senador Punzalan at Congresswoman De Mesa. At nagpaabot din ng mensahe ang iba’t-bang grupo. May mga cultural groups na nagperform. Hindi mahulugan ng karayom ang simbahan at ang liwasan sa harap nito. At pati na ang daang tinahak patungong sementeryo ay may mga ribbon na kulay itim na nakatali, mga placards at tarpaulin na sumisigaw ng hustisya para sa mga nasalanta, at punung-puno ng mga tao. Bago dumiretso ay idinaan muna ang mga kabaong sa harapan ng gate ng Universidad, na noon ay guwardyado na hindi lamang ng University Police, kundi pati na ng mga ipinadalang pulis mula sa kabilang bayan dahil tumanggi si Police Lt. Col. Carlos Mesina na magpadala ng reinforcement galing sa pulis ng Las Palmas. Ang idinahilan niya ay kailangan din nila ang puwersa para sa pagbabantay ng daang libong kataong nasa bayan noon, dumalo sa misa, at nakipaglibing. Subali’t ang totoong dahilan ay hindi maatim ni Carlos na tulungan ang mga Valderrama sa mga panahong iyon.
Para sa kanya, mas mabuti nga na sugurin ng buong bayan ang mansyon at dumugin lahat ang mga Valderramang may sala at pagbuntunan ng poot ng mga tao. Ang pagkaabalahan lang niyang iligtas at protektahan ay si Evelyn, ang kanyang anak na si Lander at ang kapatid nito sa inang si Luna, dahil alam niyang wala silang kinalaman dito.
Ayon sa media, para na ring naging isang EDSA ang araw na yun sa Las Palmas, at ang libing ay parang katulad ng libing noon ni dating Senador Ninoy Aquino.
Malinaw ang galit ng sambayanan. Dito naging litaw na ang trahedya ay hindi dahil lamang sa bagyo, kundi dahil lalo pa sa kapabayaan ng mga Valderrama, na nagmula sa kanilang kasakiman. At nakipagsabwatan sa kanila ang mga pulitikong tiwali ng Las Palmas.
Habang nagaganap ito sa labas ng campus, nasa gitna naman noon sa isang emergency meeting ng Board of Trustees na pinamumunuan ni Donya Guada. Andun lahat ng kasapi, pati si Araceli na Vice President for Administration, si Eric na Vice President for Academic Affairs, at si Evelyn na dumalo sa kauna-unahang pagkakataon. Andun din ang kinatawan ng pribadong sector na si Fermin Barredo, at ang Mayor ng Las Palmas na si Pancho Sumague. At bagama’t wala si Alejandro Maravilla na kumakatawan sa union dahil isa siya sa mga namumuno sa mga kaganapan noon sa bayan sa araw ng libing ng mga nasawi, ay nagpatuloy ang meeting dahil meron namang quorum.
Mataas ang boses ni Eric. “Mga ingrato! Kung hind sa atin marami sa kanila ang tiyak ay patay na ngayon! Kung hindi natin pinagamit ang ating Sports Coliseum sa kanila, e di sana ay kasama na rin sila lahat sa mga inililibing ngayon! At punyeta din itong si De Mesa. Matapos nating suportahan ang kanyang kandidatura ay babaligtad!”
Hindi makapaniwala si Evelyn sa sinabing ito ng kapatid. “And you have the temerity to say that. From what I have heard, it is because of you why this thing happened. For so long, people were already complaining about that dam. And not just the people, even our own people have been calling our attention to fix that damn dam!” At binalingan niya si Araceli na siyang may sakop ng repairs ng facilities. “And what did you do? What did we all do? We did not listen. We did not take action!”
Halos pabulong na sumagot si Araceli. “Handa na akong irelease ang budget, pero may nakialam at pinigilan ako,” sabay tingin kay Eric.
“And you just allowed him to dictate on you. You are the Vice President for Administration! It was your job? But I get it, you remained the weak, spineless woman that you are!,” ang baling sa kanya ni Evelyn.
Gusto na sana ni Araceli na sagutin ang kapatid, sampalin ito at sabunutan. Gusto niyang ipamukha dito na ang galing-galing niyang mamuna habang siya ay nagpapakasarap sa New York sa Amerika, kapiling ang mga lalaki niya, samantalang siya ay naiwan at nagtatrabaho para sa pamilya.
Ang hindi nakapagpigil ay si Eric.
“Well look who is talking. Ang galing mong magsalita, Evelyn, your royal highness. But where were you? Asan ka? Wala ka. You were busy gallivanting in New York with your men, living a good life, not being worried about running this fucking place. All you did was to collect your share in the business. But just like it was easy for you to leave when you got pregnant, it is now easy for you to come back and mess with us, and act like you are an immaculate queen!”
“How dare you!,” ang pasigaw na sagot ni Evelyn.
“Oh yeah. Did I spill your secret. That you were pregnant with Carlos’ child. That Lander is in fact Carlos’ son!,” ang sagot sa kanya ni Eric.
At ang sagutang ito ay nabasag nang isang malakas na sigaw ni Donya Guada na noon ay akmang tatayo, subali’t siya ay biglang natumba. Nagkagulo ang lahat. Tumakbo si Evelyn para alalayan sana ang ina na noon ay nakahandusay na sa sahig. Natulala si Araceli. Si Eric naman ay pasigaw na inutusan ang Mayor na tawagan ang ambulansya ng ospital. Sa kaguluhan nila ay hindi nila napansin na kanina pa pala nakatayo si Lander sa may pintuan at narinig lahat ang sinabi ng kanyang tiyuhin.
Mabilis na isinugod sa University Hospital si Donya Guada, na sinamahan ni Evelyn at Lander sa loob ng ambulansya. Habang kasunod naman sa kani-kanilang sasakyan si Araceli at Eric, at ang iba pang miyembro ng Baord of Trustees. Sumugod din sa ospital si Luna na isinakay ng kanyang pinsang si Emmielyn sa kanyang kotse, habang wala naman noon si Deborrah at may inaasikaso sa kanyang shop sa Manila. Si Jake naman, tulad ng dati, ay bangag sa kanyang den at walang pakialam sa mundo.
Matagal sa loob ng emergency room si Donya Guada, na noon ay inaasikaso na ng mga batikang doctor ng ospital. Sa labas ay hindi mapakali ang kanyang tatlong anak at may kanya-kanyang iniisip. Ang nasa isipan ni Eric ay kung tuluyan nang mamatay ang kanyang ina ay sino sa kanila ang magiging Presidente. Si Araceli naman ang iniisip ay ang mga problemang hinaharap ng Universidad at kung ano na ang mangyayari sa mga ito kung may mangyaring masama sa mama nila.
Tanging si Evelyn lamang ang walang ibang inisip kundi ang kalagayan ng ina.
Nakalipas ang isang oras, lumabas ang Chief Cardiologist at ang Chief Neurologist ng ospital, ang mag-asawang doctor na si Richard at Sharon Avancena. Sabay-sabay lumapit ang tatlong magkakapatid sa kanila, kasunod ang iba pong Trustees, at sila Lander, Luna at Emmielyn.
“You mother is now in a stable condition. The bad news is that she suffered a major stroke, and that she is now in a coma,” ang sabi ni Dr. Richard Avancena.
“Oh my! So who will now run the University?,” ang naitanong agad ni Eric.
“You are so fucking unbelievable, bro! That is all you are concerned about?,” ang bulalas ni Evelyn.
“Well, I am just being practical, my dear American, uber-sanctimonious and self-righteous sister. Mama’s condition is given. There is nothing we can do but trust these guys,” sabay nguso sa mag-asawang duktor, “whom we pay very well, to do their jobs. Our job is to think about what to do next for the University to get out of this mess!”
“A mess that you have brought us into, you asshole!,” ang bwelta sa kanya ni Evelyn.
Samantala, si Araceli ay naisip tawagan ang corporate lawyer ng Universidad, na isa ring faculty member sa College of Law. Agad itong pinapunta sa ospital.
“Huwag na kayong magtalo. Tinawagan ko na si Atty. Deocarez para kunsultahin.”
“Bakit pa. Hindi ba ikaw ang Vice President for Administration. Isn’t it a rule that whoever sits in that position becomes officer-in-charge if the President is on leave or is out of commission?,” ang tanong sa kanya ni Evelyn.
At dito pumalakpak ng palibak si Eric. “Wow talaga ha! Your faux modesty and kindness never fail to amaze me. Araceli, Ate, naniniwala ka ba sa kabaitan nitong bunso nating estranghera?”
Magsasalita pa sana si Evelyn subalit tiningnan siya ni Lander nang matalas at tila nagsasabing tumigil na sila. Lumayo na lamang si Evelyn at nanigarilyo sa labas. Samantalang si Araceli ay kumuha ng kape sa dispenser. Si Eric ay umupo na tila may iniisip. Ang iba naman na andun ay kanya-kanyang hanap ng mauupuan.
Ilang saglit pa ay dumating si Atty. Deocarez na may dala-dalang attache case. Pumasok na si Evelyn kasunod nito, at sabay lumapit sa kanya si Eric at Araceli, ang mga Trustees, at kasunod nila si Lander, Luna at Emmielyn.
“Leo, will you help us out here. Mama suffered a massive stroke and is in a coma. We are in a quandary since someone has to take up the reins, more so now that we are facing a crisis. By practice, Araceli is supposed to be OIC since she is the VP for Admin. I can challenge that however since we all know Araceli is spineless. And of course, Evelyn the Queen is out of contention since she has been practically participating in the affairs of the University by proxy in a far away land with her many husbands. So tell us, how do we proceed?”
Bago sumagot, inayos muna ni Atty. Leo Deocarez ang kanyang salamin, nagpunas ng pawis sa noo, at binuksan ang kanyang attache case, at kinuha ang laman nitong dokumento.
Si Evelyn naman ay lumapit sa noon ay papalabas na ng ospital na mag-asawang Avancena. At sabay na kinausap sila tungkol sa lagay ng kanilang ina habang nakikinig din kay Atty. Deocarez. Gusto sana niyang makipagsagutan ule kay Eric dahil sa mga patutsada nito ngunit mas minabuti nitong ibaling ang atensyon sa lagay ng kanilang ina.
“Just yesterday, your mother drafted a legal document giving instructions precisely on the matter of who will take her position in case something happens to her, either she dies or she is incapacitated,” ang pagpapatuloy na sinabi ni Atty. Deocarez.
Si Araceli at Eric ay kapwa taimtim na nakikinig. Si Evelyn naman ay parang walang interes at abala sa pakikipag-usap sa mag-asawang duktor tungkol sa kanilang ina.
Nagpatuloy si Atty. Deocarez.
“At ayon sa dokumentong hawak ko, nililipat na ng inyong ina ang pagiging Presidente sa inyong bunsong kapatid na si Evelyn.”
At dito napatigil si Evelyn sa kanyang pakikipag-usap sa mga Avancena. “Huh. Ako?”
“Oo, ikaw Evelyn. You mother has appointed you as her successor to become the new President of the University of South-Central Philippines,” ang mariing dineklara ni Atty. Deocarez.
Napaupo si Araceli sa sofa. Si Eric ay natulala. Napatalon sa tuwa si Lander at Luna, na tumakbo sa ina na noon ay gulat na gulat para ito ay yakapin at batiin. Si Emmielyn ay napatingin sa kanyang amang si Eric. Ang ibang miyembro ng Board of Trustees ay lahat nagulat at parang mga hindi masaya.
Samantala, sa mga sandaling iyon ay bumuhos uli ang isang napakalakas na ulan na parang nakikiramay sa dalamhati ng mga taong noon ay sumasaksi sa mass burial ng mga nasawi sa trahedya sa Las Palmas na kasalukuyang nagaganap noon sa sementeryo ng bayan.
At habang nangyayari ito, ay patuloy na naglalaro sa isipan ni Alejandro, na noon ay isa sa mga nakikipaglibing, ang kanyang mga susunod na hakbang para tuluyan nang mabawi ang Universidad sa kamay ng mga Valderrama.
Commentaires