![](https://static.wixstatic.com/media/e3ffc0_eeaec0705d6640948dfd169933feb403~mv2.png/v1/fill/w_842,h_842,al_c,q_90,enc_auto/e3ffc0_eeaec0705d6640948dfd169933feb403~mv2.png)
Malinaw na kay Evelyn Valderrama, ang bagong Presidente ng University of South-Central Philippines, kung sino ang dapat niyang maging kakampi. Subalit alam niyang dapat ding manatiling lihim ang lahat.
Hindi pwedeng malaman ng bayan ang tunay na pagkatao ni Prof. Alejandro Maravilla. Maraming lihim na mauungkat. Ayaw niyang mawasak nang tuluyan ang pamilya Valderrama, lalo na at nasa coma si Donya Guada. Ayaw na niyang dagdagan ang pasanin ng pamilya na dulot ng pagkawasak ng imbakan ng basura at lason ng Universidad dahil sa kapabayaan ni Eric na pinahintulutan ni Araceli. Ayaw na niyang maungkat ang pagkamatay ni Don Severino at pati na rin ni Leandro Maravilla.
At hindi rin dapat malaman ng tao na magkakampi na sila ni Alejandro. Mawawalan ito ng kredibilidad sa mata ng unyon at ng mga kasamahan niya.
Wala siyang choice. Nang iharap ni Alejandro sa kanya ang last will and testament nina Don Joaquin na Lolo niya at ni Don Severino, pati na ang birth certificate ni Leandro Maravilla,, na ama ni Alejandto na nagpapatunay na anak siya ni Don Severino kay Mercedes Maravilla, naging malinaw sa kanya kung sino ang dapat na nagmamay-ari ng Universidad. Siguro nga, malabnaw ang kanyang kuneksyon sa Universidad at sa pamilya at hindi siya nakaramdam ng galit o pagdududa. Tanggap niya na maluwag sa kanyang dibdib ang tunay at tamang lugar nila ni Eric at Araceli. Sa mata ng batas sila ay walang karapatan sa Universidad. Mga anak sila ni Donya Guada sa kabit nito at hindi nila ama si Don Severino na siyang ginawang tanging tagapagmana ng kanyang Lolo na si Don Joaquin. Valderrama nga apelyido nila subalit wala silang karapatan sa apelyidong ito, at kay Leandro Maravilla na siyang tunay na anak ni Don Severino ang legal na karapatan.
Magiging abala si Evelyn sa mga susunod na araw. Marami siyang taong dapat kausapin at mga bagay na aasikasuhin. Sinulyapan niya ang kanyang telepono. Andun pa rin ang mga mensahe ni Carlos Mesina, ang Chief of Police ng bayan. Gusto siya nitong kausapin. Sa dati nilang tagpuan. Alam na niya yun. Subali’t sinadya niyang balewalain ito. Maraming mas importanteng bagay kesa sa pagsariwa sa nakalipas. At alam niya na paguusapan nila si Lander, na alam na ng lahat na anak ni Carlos sa kanya. At doon niya biglang naisip si Lander. Ang tagal na niya itong hindi nakikita at nakakausap. Di-nial niya ang number nito sa telepono subali’t panay lang ang ring. Inulit niya pa ng dalawang beses nguni’t wala pa ring sagot.
Kung sinadya ni Evelyn na hindi sagutin ang mga text ni Carlos, hindi naman naririnig ni Lander ang mga ring ng tawag ng ina dahil abala ito sa pakikipaglampungan at harutan kay Migz Rallos, ang Presidente ng University Student Government na bago nitong karelasyon, bagama’t lingid ito sa kaalaman ng lahat at lalo na at itinatago pa rin nito ang tunay nitong sekswalidad. Kasalukuyan pa ngang karelasyon ni Migz si Paula Barredo, ang leader ng Cheering Squad ng Universidad na ang ama naman ay ang negosyanteng si Fermin Barredo na miyembro ng Board of Trustees ng Universidad at matalik na kaibigan ni Eric Valderrama at siyang pangunahing kaalyado nito sa Board.
Sa isang motel sa karatig-bayan ng mga sandaling yun si Lander at Migz at katatapos lang nilang magtalik at nakasandal si Migz sa dibdib ni Lander. Malalim ang kanilang pinag-uusapan. Tungkol ito sa kilusang kinaaaniban ni Migz, na may kaugnayan sa mga makakakaliwang grupo. Bagama’t hindi siya naniniwala sa marahas na pag-aklas, bighaning-bighani siya sa ideyolohiyang makakaliwa. At sa kanya natagpuan ni Lander ang ideyal ng isang lalaking mamahalin niya. Gwapo, maskulado, matalino at atleta subalit progresibo mag-isip. Nagkakasundo sila sa pulitika. Hindi lamang ito tawag ng laman. Kay Migz niya nakita ang lahat ng kanyang hinahanap.
Tanging si Paula Barredo na lamang ang sagabal sa kanilang relasyon. Hindi pa malinaw sa kanila kung papaano o kelan puputulin ni Migz ang ugnayan niya dito, bagama’t dahan-dahan niya nang pinaparamdam dito ang pananabang. Bihira niya na itong tawagan at ang lagi niyang dinadahilan ay abala siya sa student government. Alam niya naman na hindi ito mawawalan ng ipapalit sa kanya kung sakali. Alam sa buong campus na humaling na humaling kay Paula si Jake Valderrama na anak ni Enrico. Ito nga ang dahilan kung bakit hinaharass siya ni Jake at ng mga barkada dito at pinagbantaan pa nga nito. Madali na sa kanyang ipaubaya si Paula kay Jake.
Excited si Jake at Lander sa paparating na malaking rally na kung saan isa si Lander sa mga pangunahing tagapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon dito ng kanyang ina subalit alam niya na ang gagawin niya ay hindi para kay Lander. Ang kanyang mga sasabihin ay bukal sa kanyang puso.
Samantala, bantulot na nag-aabang si Evelyn sa opisina niya. May dalawang tao siyang kakausapi sa araw na yun at sa kanila nakasalalay ang tagumpay ng plano nila ni Alejandro. Alam niya na ang dalawang taong ito ang susi sa mga pagbabagong kailangang mangyari para mailigtas ang Universidad sa tuluyang pagkabaon sa utang at tuluyan nang magsara.
Unang dumating ang Mayor ng Bayan na si Pancho Sumague. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. Ang mahalaga lang naman sa taong ito ay ang mapanatili ang kanyang kapangyarihan at impluwensya sa bayan, at ang masiguro na ang asawa niya ang papalit sa kanya sa susunod na eleksyon kung saan magtatapos na ang kanyang ikatlong termino. Balak nitong tumakbo pagka-Congressman para pumalit sa kasalukuyang nakaupo na si Henrietta De Mesa na may plano namang kumandidato pagka-gobernador. Isa rin itong dapat niyang kausapin dahil ito ang isa sa mga nagpahirap sa kanya sa nakaraang mga hearings sa Kongreso. Mataas ang ambisyon pareho ng mga pulitikong ito at ang kanilang katapatan sa isang tao o sa kanilang mga sinumpaang tungkulin ay katumbas lamang ng mga pangako ng suporta. Kailangan lang na maipakita sa kanila na mas pabor sa kanilang mga ambisyon sa pulitika ang tumaya sa kanya.
Ang kasunod niyang hinarap ay si Fermin Barredo, ang tuta ni Eric sa Board of Trustees. Alam niyang mahihirapan siya dito. Subali’t kilala niya ang likaw ng bituka ng mga katulad ni Barredo. Mga negosyanteng walang ibang inisip kundi ang kanilang mga bulsa at kita. Mga ganid sa pera. Ipagkakanulo ng mga tulad ni Barredo ang kanilang mga ina kung ito ay para sa mas malaking tubo at mas mayabong na negosyo. Alam niyang pera-pera lang ang nagpapagulong sa kalkulasyon ng mga kapitalistang katulad niya. Hindi sila tataya sa paluging negosyo o sa isang pabigat. Ang nilinaw niya dito ay ang katotohanang siya na ang Presidente ng Universidad, at hawak niya ang kapangyarihan at impluwensya. Alam niyang bilang tusong negosyante, hindi ito tataya sa isang talunan at sa isang liability.
At alam ni Evelyn na ang nalalapit na Board of Trustees meeting ay magmimistulang digmaan, isang digmaang wala siyang balak na matalo.
At dumating ang pinakahihintay na araw. Sabay ang Board Meeting sa malawakang pagkilos ng University Student Government. Habang si Evelyn ay maingat na inilalatag sa kanyang isipan ang gagawing hakbang, ang kanya namang anak na si Lander ay matagal nang namuo sa isipan kung ano ang sasabihin sa rally na magaganap.
Inglesero si Lander. Lumaki siya sa New York. Prangka. Alam niya kung paano kunin ang atensyon ng tao.
Puno ang quadrangle sa tapat ng Administration Building ng Universidad. Namumula sa kulay ng protesta na lalo pang pinatingkad ng mga placard na iisa ang sinisigaw. Katarungan. Ang panagutin ang mga Valderrama.
Malalim ang hugot ni Lander. Sa mata ng mga kapatid ng ina, walang pakialam si Evelyn sa nangyayari sa Pilipinas. Ang buong akala ng marami, tinalikuran nito ang pamilya. Ang hindi nila alam ay ang kalungkutan na naghari sa buhay nito, at ang patong-patong na hinanakit at paghihirap ng kalooban. Ilang ulit na niyang tinangka na itanong sa ina ang tunay na kwento kung bakit umalis ito sa Las Palmas at nangibang bansa. Gusto niya ring malaman kung sino ang kanyang tunay na ama. Subalit tikom ang bibig nito.
Natutunan niyang maghalungkat sa mga gamit ng kanyang ina kapag wala ito sa pag-asang may matuklasan siya. Subalit ni isang diary wala siyang mahanap. Hanggang isang araw naiwan ng kanyang inang bukas ang kanyang laptop at doon niya nabasa ang isang email nito kay Donya Guada. At doon niya nalaman ang napakaraming bagay. Nabunyag ang maraming lihim. Maliban sa isang lihim na siya pa namang pinakamahalaga sa kanya. Ang malaman ang kanyang tunay na ama. Walang nabanggit sa email. Puro tungkol sa mga Valderrama. Mga lihim na kapag mabunyag ay tiyak magpapabagsak sa mga ito.
Doon umalingasaw ang isang pinakatatagong baho ng pamilya na handa na ngayong isiwalat ni Lander. Hindi lamang ito para sa kanyang ina. Nakita niya ang mga taong namatayan dahil sa pagguho ng dam ng basura at lason na itinae ng Universidad, at ang bunga ng kapabayaan ng kanyang tiyuhing si Eric at pagbubulag-bulagan ng kanyang tiyahing si Araceli. Higit isang daang buhay ang kinitil, mga taniman at palaisdaang winasak at nilason. Kailangang may ituwid. Kailangang may managot.
Nang ipakilala siya ni Migz, isang malakas na boo ang umalingawngaw sa Quadrangle. Apo ni Donya Guada, anak ng bagong Presidente. Tanggap niya kung ang tingin sa kanya ng mga estudyante at mga miyembro ng union ay kaaway. Subalit alam niya na pagkatapos ng sandaling ito, mag-iiba ang lahat.
Lumapit si Lander sa mikropono. Hinarap ang mga taong hinuhusgahan na agad siya. Ngunit matapang niya itong hinarap. At dito niya nasilayan si Carlos Mesina, ang kanyang ama, na nasa dakong likuran kasama ang kanyang mga tauhan sa pulisya. At lalo itong nagpalakas ng loob ni Lander. Tamang-tama na andito ang kanyang ama.
At nagsimula na siyang maglahad ng kanyang mga pagbubunyag.
Samantala, ang kanyang ina naman ay katatapos lang magpakawala ng pasabog sa Board of Trustees Meeting sa Board Room sa pinakatuktok na palapag ng building. Unang business ng pulong ay ang administrative matters, at dito niya inanunsyo na sa bisa ng kanyang kapangyarihan bilang Pangulo ng Universidad, ay dineklara niyang bakante ang posisyon ng Vice President for Academics na kasalukuyang hawak ni Eric, at ng Vice President for Administration na hawak naman ni Araceli.
Dumagundong ang boses ni Eric sa pagtutol samantalang sa unang pagkakataon ay tumaas ang boses ni Araceli sa sumigaw: “How dare you!”
“You cannot fire us! You do not have the power!,” ang sigaw ni Eric.
“Well, I have consulted the legal department, and they tell me I can. After all, your positions are both administrative positions which are technically under my prerogative. You serve at the pleasure of the President, am I correct, Atty?,” ang baling ni Araceli sa Legal officer ng University at ng Board, na kinumpirma ang sinabi niya.
“You have no right. Pamilya natin ang nagmamay-ari nitong University! We have a right to hold these positions!,” ang sabi ni Araceli.
“It is perfectly legal. If you want you can challenge it in Court. Go ahead and sue!,” ang sagot ni Evelyn.
“This is nothing but a naked, shameless power grab. You are taking advantage of the fact that Mama is in a coma!,” ang hirit ni Eric.
“This is fairness. You both are the persons responsible for what happened in that dam. It was your negligence, which the Vice President for Administration tolerated under her watch. It is justice. And if Mama were here today, she would have agreed!,” ang tugon ni Evelyn.
At dito sumabat si Alejandro.
“Madam President, I move that the Board affirms your decision to declare the two positions of Vice President for Academics and Vice President for Administration as vacant.”
At ito ay sinegundahan ni Mayor Sumague.
Umupo si Eric na tiwalang hindi susuportahan ng Board ang motion. Hawak niya si Sumague at si Barredo, at may mayoriya sila ni Araceli.
“It has been moved and seconded that the Board affirms the decision of the Chair to declare as vacant the positions concerned,” ang sabi ni Evelyn. “Those who are in favor, please raise your hand.”
Unang nagtaas ng kamay si Alejandro. At halos magkasabay na nagtaas ng kanilang mga kamay si Sumague at Barredo na kapwa iniwasang tingnan si Eric.
“Those who are not in favor, please raise your hand,” ang tawag uli ni Evelyn.
Hindi agad nakareak si Eric at natulala ito sa boto ni Sumague at Barredo, na malinaw na trinaydor siya. Dalawa na lang sila ni Araceli na natira. Tatlo laban sa dalawa. At hindi pa kasama doon ang proxy vote ni Evelyn para kay Donya Guada. Hindi na kailangang bumoto ni Evelyn dahil walang tie.
“Let it be on record that the Board of Trustees affirmed the decision to declare as vacant the positions of Vice President for Academics and Vice President for Administration. The occupants of the said position, Dr. Enrico Valderrama and Dr. Araceli Valderrama are hereby ordered to vacate the said positions. A search committee will be formed to look for their replacements. Meanwhile, I will issue another order to designate the respective officers in charge.”
Muling itinaas ni Alejandro ang kanyang kamay.
“Madam President, I also move that Drs. Enrico and Araceli Valderrama be dismissed from their positions as members of the Board of Trustees.”
At dito tumayo si Enrico at akmang susugurin si Alejandro, subalit hinarang siya ni Araceli at ni Sumague at Barredo.
“Sit down Dr. Valderrama!,” ang mariing utos ni Evelyn, sabay baling kay Alejandro. “With all due respect to the Union President, your motion is out of order. While the positions of Vice President for Academics and for Administration are under the authority of the President, it is written in the by-laws of our University that there are four slots reserved for family members. I happen to take one seat, and so is my mother for whom I am now also voting as proxy. We cannot change the rules. I hope you understand.”
Wala nang isinagot si Alejandro. Ang totoo nito, kasama naman talaga sa plano nila ni Evelyn ang dramang ito, para hindi lumabas na magkakampi talaga sila. Wala naman siyang problema dahil kahit na parte pa rin ng Board of Trustees si Eric at Araceli, ay wala na itong kapangyarihan dahil nasa minoriya na sila. Nasuhulan na ni Evelyn si Sumague at si Barredo. Pinagtaksilan na ng dalawa si Eric.
Inadjourn agad ni Evelyn ang pulong dahil alam niyang sa kalagayan ng pag-iisip ng dalawa niyang kapatid ay walang saysay na magpatuloy.
Pagod na pagod si Evelyn nang pumasok siya sa kanyang opisina. Nagsisimula pa lang ang digmaan. Kanya ang unang round. Kailangang niyang ihanda ang sarili niya sa mga gagawin sa kanya ng kanyang dalawang kapatid.
At dito naudlot ang kanyang pagmumuni-muni ng pumasok si Eric kasunod si Araceli.
“When did you and your bastard son decided to stab us in the back?,” ang malakas na sigaw ni Eric sa kanya.
“What are you talking about? Stop involving my son here! He has nothing to do with this?,” ang pasigaw na sagot ni Evelyn.
“Oh yeah. And what is this?,” marahas na tugon ni Eric, sabay abot sa kanya ang telepono na nakabukas ang FB account nito. Nakita niya sa video si Lander, nagsasalita.
“Friends, I am Lander Valderrama. I have a surname that I am not proud of. I come from a family that has committed so many crimes and transgressions not only against this town, but against so many people, that it is willing to kill people, or allow people to be killed to keep its grip on this University. It is a shame since their business is supposed to be a noble profession of teaching, and yet this place is a nest of evil and corruption. My mother decided years ago to leave this place, to escape the dark secrets that continued to haunt her. She left bearing me in her womb, leaving the only man she loved, my father who for many years I did not know the name, but now I know him, and I am sure you know him too by now. You must have heard the news already. He is here with us.”
At biglang nag-pan ang camera ng video kay Carlos Mesina.
“We cannot allow the corruption of my family to go unpunished. We have to continue to fight for justice. And now, let me end by revealing to you an important truth that has been hidden to all of you. Unknown to you, my great grandfather Joaquin Luis left all his properties, including this University not to his only daughter Donya Guada, but to her husband Don Severino Valderrama. Donya Guada may be my Lola, but Don Severino is not. My mother, and her siblings, Dr. Eric Valderrama and Dr. Araceli Valderrama are not his children. They are the children of my Lola Guada to her lover. The Valderramas have no right to own this University since they are not the heir of Don Severino.”
At nang marinig ito ni Evelyn, para siyang naupos na kandila.
“Lander, oh Lander. What have you done?,” ang nasabi na lamang ni Evelyn.
Mabilis na bumunot ng baril si Eric at tinutukan si Evelyn, na nagulat. Sumugod sa kanya sa Araceli at pinigilan. Inagaw ni Araceli ang baril. At sa isang iglap ay may parang naalala si Araceli at bigla niyang nabitawan ang baril na nahulog sa sahig.
“Hindi pa tayo tapos, Evelyn. When I am done with you and your bastard son, you would have wished you never came back.”
Comments