![](https://static.wixstatic.com/media/e3ffc0_e7797a02950f4b1b83d97fcb8d3971b4~mv2.jpg/v1/fill/w_640,h_640,al_c,q_85,enc_auto/e3ffc0_e7797a02950f4b1b83d97fcb8d3971b4~mv2.jpg)
May adhika.
Sa hamon ng pagiging dukha,
Ang mga naka-tsinelas
Binibigyan ng pag-asa at bukas.
Nagtatanong. Humahalukay.
Mga librong binabasa, mga kaisipang binabanghay
Kailangang guluhin ang kasaysayan
Para sa pagpapalaya ng isipan.
Humahamon. Nagwawasak.
Ang mga salita ang bala, ang mga ideya ang itak
Upang ang nakasanayan ay mapabagsak.
At ang bayan makabangon sa pagkakasadlak sa lusak.
Sa classroom bumubuo ng mga pangarap.
Binabangka, nilalakad, kahit dumaan ng dusa at hirap.
Aabutin. Lalakarin. Gagapangin.
Liwanag sa dilim ang hanap dahil yan ang aming tungkulin.
Titser. Maam at Ser. Collector. Musa
Propesor. Counselor. Nagtitinda ng bra at longganisa.
Census taker. Health worker. Election officer. Terror o pag-asa.
Guro ang itawag niyo sa amin, sa ligaya man o dusa.
![](https://static.wixstatic.com/media/e3ffc0_cf907b2115174189b3df2c892d5bce8a~mv2.png/v1/fill/w_842,h_842,al_c,q_90,enc_auto/e3ffc0_cf907b2115174189b3df2c892d5bce8a~mv2.png)
Comments