top of page

HALIMAW

  • Writer: Antonio Contreras
    Antonio Contreras
  • Jun 16, 2024
  • 1 min read


Sinasakop nila nang dahan-dahan

Ang aming mga tahanan

Nilalamon, sinasagpang

Ang aming mga ariarian

 

Itinataboy, inaagawan

Itinuturing na kaaway

Tinutugis, minamarkahan

Ikinukulong, pinapatay.

 

Dumadating sila para pagkakitaan

Ang mga tahanan naming kinagisnan

Ginagawa itong mga lugar pasyalan o palaisdaan

Pinuputol para panggatong ang mga bakawan.

 

Sa aming paglaban

Kami pa ang tinatawag na kaaway ng bayan

Halimaw na mga buwaya daw kami

Mga salot na dapat lipulin sa dilim ng gabi.

 

 

 

Comments


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page