top of page

INGAY

  • Writer: Antonio Contreras
    Antonio Contreras
  • Nov 16, 2023
  • 1 min read

Updated: Jan 14, 2024



Masakit sa tenga

Kalabisan ng dila

Mga inabusong panga

Kinalyo na sa kadadada.


Lahat na lamang may gustong sabihin

Ang bulag nagkakaroon ng paningin

Ang bingi may mga gustong dinggin

Ang pipi kinakapa ang boses sa hangin.


Mga tiklado ng teknolohiyang makabago

Ngayon nagiging daluyan na ng mga kinathang totoo

Ang huwad nagiging tunay, ang tanso nagiging ginto

Ang mangmang ngayon ay nagpapanggap na matalino.


Sisiksik na lang tayo sa ating mga lungga

Kesa sa mapahamak ng ating mga bunganga

Kalayaang magpakawala ng mga salita dati ipinaglaban

Ngayon ay naging mapanganib na banta sa ating kalayaan.


Tunay na wala nang tunay

Hindi na iba ang totoo sa anino

Dito na pupunta ang ating buhay

Sa Pulpito man o sa Kongreso, walang sinisino.


Commentaires


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page