![](https://static.wixstatic.com/media/e3ffc0_b60bfbe2b4dc45aa9501ce245920b864~mv2.png/v1/fill/w_842,h_842,al_c,q_90,enc_auto/e3ffc0_b60bfbe2b4dc45aa9501ce245920b864~mv2.png)
Sa iyong kaarawan, aking pinakamamahal na asawa
Ikaw ang aking umaga na humahalili palagi sa aking mga gabi
Ang gabing nangangako ng pahinga at sa kapaguran ko ang siyang pumapawi
Ikaw ang aking tahanan Ang lagi kong nasisilungan
Sa dilim na dumadalaw sa mga gabi ng aking buhay tanglaw ka na may sinag, aking nag-iisang buwan Tunay na ikaw ang pinakamaningning na tala na nagpapaliyab sa aking kalangitan Ikaw ang ulan na nagdadala ng biyaya Sa iyo ang sa bawat tagumpay ko nakaalay ang kapalit na gantimpala.
Hangin ka na tumutulak sa akin upang ako ay makapaglayag Sa pag-abot ko ng aking mga pangarap ikaw ang nagbibigay ng liwanag Silangan ka ng araw na may dulot lagi sa akin ng sigla Kanluran ka ng dapithapon ng buhay ko pag ito ay natapos na
Maligayang kaarawan sa iyo aking pinakamamahal, kabiyak ng aking puso, ng aking ligaya.
Maligayang kaarawan, Mama.
Comments