top of page

KRIMINAL

Writer's picture: Antonio ContrerasAntonio Contreras

Updated: Jan 14, 2024



Dalawang taon makalipas matapos andyan ka pa rin nakatulala Gaya nang nakaupo ka pa sa trono mong tanso na iyong minana sa kamatayan ng iyong ina na di namin inakalang sa halip na pag-asa ang binuhay mo ito naman pala ay paghihirap na dulot sa amin ng tadhana mula sa iyo.


Di ka yata marunong makinig at tila may sarili kang mundo na nakagapos sa mg laruang pambata habang nakakulong ka sa kwarto Kaya pala sa halip na ipinaramdam mo sa amin ang iyong puso ang tila pinarating mo sa amin ay ang sabihing “buhay pa naman kayo.”


Sa susunod kasi huwag tatanggapin ang tadhana kapag hindi para sa iyo Hindi kami minamanang lupang tubuhan na kahit walang kaalaman Ay ginagawang sangkalan ang rangya ng isang sikat na apelyido Na ginamit sa pagbabalatkayo kaya parang sumpa ang naging dala nito.


Di ka yata marunong makinig Sa halip ang bulong sa isip mo lang ang iyong ka-niig Kaya pala ikaw ay laging tulala At ang bayang sa iyo ay umasa ay iniwan mong nakanganga.


Ayos lang sana kung ito ay isang larong pambata Na maari naming i-stop o i-pause kapag kami ay natatalo na Pero para kang naglaro, habang may Mamasapano, Yolanda at Dengvaxia Kapabayaan ang sinapit, at kasalanan mo laging isinisisi sa iba.


Galit ka sa mga tiwali, kaya nga ipinatanggal mo si Corona Manyapa’t ganyan ka lang naman dahil kalaban mo sila Pareho lang naman ang kapalarang nakaguhit sa inyong mga tadhana Di ka nga tiwali pero pabaya naman, kriminal ka pa rin sa bayang nagdurusa.


Ang dami mong pinatay na pangarap Marami kang ninakaw na sandali at lingap.


Matuwid nga ba ang daang iyong tinahak Kami ba ay hindi mo ipinahamak Hayaan mo darating ang araw sa amin ang huling halakhak Kapag nakasakay ka na rin sa wheelchair na aming itutulak.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

SHIMENET

HALIMAW

Comments


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page