top of page

KULAY NG MAHIRAP

Writer's picture: Antonio ContrerasAntonio Contreras

Updated: Jan 14, 2024




Ano ba ang kulay ng mahirap?


Kulay ba ito ng basurahang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan Samantalang ginawa nang basurahan ng mga pulitikong may salapi ang ating pamahalaan?


Kulay ba ito ng burak na nakikita sa kanal, o sa maruming babuyan Samantalang mabaho pa sa kanal ang pambababoy sa atin ng mga mayayamang nasa batasan?


Kulay ba ito ng kasuutang di nalalabhan kaya mabaho at marumi Samantalang sa mga tiwaling may pera hindi ang damit ang marumi kundi ang panloob na budhi?


Kulay ba ito ng mga taeng nakikita sa kalye, umaalingasaw, nilalangaw Samantalang hindi kayang itago ng mamahaling pabango ang baho ng mga mayayamang magnanakaw?


Sabihin niyo nga sa akin kung ano ang kulay ng mahirap Para di ko na ito ipinta sa aking mga pangarap.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

SHIMENET

HALIMAW

Comments


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page