![](https://static.wixstatic.com/media/e3ffc0_0a004d802a2942daa0fce7080b72b7ce~mv2.png/v1/fill/w_842,h_842,al_c,q_90,enc_auto/e3ffc0_0a004d802a2942daa0fce7080b72b7ce~mv2.png)
Ano ang sigwa sa buhay mong taglay Dito ka na sa seldang tahanan nahimlay Kulungan ba ito na ginawa mong bahay Ataul ng hapis sa patak ng luha mo sumabay
Nagngangalit na hangin ang bumagyo sa iyo Kulang na lamang kitilin mga pangarap mo Ngayon pilit kang ngumingiti sa mga litrato Itim at puti, luhaang nakangiti, dagok sa pagkatao
Sa dako pa roon ang nakatira sa palasyo isang tao Na nagsabing biyaya ay matagal nang dumaloy sa inyo Alalaon baga, nabubulok na kartong tila naging multo Gatas, damit, pagkaing di man lang sumayad sa katawan mo
Tama nga namang sa mata mo mababanaag Ang dilim na pilit tinatago ng liwanag Sa kulungang kasama mo nakayuko sa hapag Ang kalayaang namatay sa piling ng magdamag
May pag-asa ka pa bang liwanag muli mong masilayan Darating pa ba sa iyong buhay ang ligayang inaasam Ano ang liwanag kung ikaw ay limot ng pamahalaan Na di man lang alam na malaya ka man pero ikaw ay nasa kulungan?
Comments