top of page

WALANG PLAGUE SA FILIPINO

Writer's picture: Antonio ContrerasAntonio Contreras

Updated: Jan 14, 2024



When Moses warned Rameses of an impending despair that would visit the palace by the river Nile, the first born of Israel was offered to be spared from the wrath of the God of a people long subdued and whose lacerated skins littered the land of the Sphinx, and the heir to the throne was marked for execution by the dark clouds of death.


Mula sa timog at silangan ang nagbabadyang sigwa ay patuloy na gumagapang, papalapit, kamatayan ang dala-dala tangan ang makapal na ulap ng nagdidilim na kalangitang nagbabanta ng pait at hapis sa lupaing ang sandata laban sa paghagupit ng unos ay ang kasanayan kahit na nga lukuban pa ng katiwalian.


The angel of death crept into the land sparing those whose doors were painted with the blood of the lamb, the dark shadows overcome by torches that provided ligbt to the wailing of women whose first born sons fell on the paths of the plague sent by the God of Israel.


Nakaluhod at nagdadasal ng taimtim ang bayan, bagama’t ang paparating na unos ay andyan na sa durungawan, ang gumagapang na kadilimang nagmumula sa karagatan, ang kamatayang maari nitong idulot sa pamayanan, ang tiwaling pamahalaan, ang pulitika ng kapabayaan. Lahat ng ito ay hindi mga salot na matuturingan dahil matagal nang nakalaban at handang higitan, at sa kabila ng pagtangis ay may lugar lagi ang ngiti sa mga labi ng naulila at nagdadalamhati.


Rameses wept. The plague has visited the house of power by the river once turned blood and there is nothing that the god of Ra can do to subdue the wrath of the God of Abraham. Locusts. Frogs. Flies. Pestilence. The angel of death. All plagues that visited and defied the palace of Rameses by the river.


Yolanda. Pablo. Glenda. Ruby. At marami pa sila.

Lahat nagdulot ng kamatayan at luha.


75 views0 comments

Recent Posts

See All

SHIMENET

HALIMAW

Kommentare


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page