top of page

WILL YOU SAY OUCH O ARAY?

Writer's picture: Antonio ContrerasAntonio Contreras

Updated: Jan 14, 2024



Conyong conyo ang peg mo kaninang tayo ay nakapila para bumili ng mamahaling kape Napansin ko ang twang mo na parang galing sa divisoria na hinilamusan lang sa tate Di ko alam kung ano ang pakiramdam ko basta ang masasabi ko lang di ko ito mawari At bigla kong natanong sa sarili na kapag itinulak ba kita aray ba o ouch ang sa labi mo mamumutawi.


At nang pagmasdan ko face mo nakita ko bigla si Franz Fanon Kasi tunay nga palang may mga taong sa puting maskara ang kaitiman ibinaon Bakit kasi nagkakape pa ako ng mamahalin Naiisip ko tuloy kung aray ba o ouch ang sasabihin mo kung kita’y sasapakin.


Hay what a morning ang sa akin bumulaga ngayong araw Sa pulitika ng pandaraya ng mga taong katiwalian ang sa bituka ay likaw Ang akala ko magpapa-init ng aking ulo ay ang mga bulag lang sa Kongreso Yun pala ang pupukaw sa akin ay kung ouch ba o aray ang maririnig ko pag aking sinampal ang conyong ito?


At aking naisip wala naman palang pinagkalayo Ang isang senadong bulag at ayaw tingnan ang totoo Sa mga Ingleserong pilit nagpapakasosyal kahit mga Pilipino Pareho naman ang tanong kung ouch ba o aray sasabihin nila pag binato sila ng tao.


Buti pa ang barista kahit mali ang spelling ng name e magsisilbi pa rin ng kape At ang dalubhasa sa social media kahit sa Wikipedia umasa ay may laman sinasabe Subalit ang conyong bata parang katulad ng mga pulitikong nawawala sa mga sarili Pilit pinagtatakpan ang itim ng isang kasinungalingang pagkaputi.


Ouch ba o aray ang sasabihin nila sa galit ng bayan? Aba ewan ko, ang mahalaga sila ay atin na lang batukan Di na mahalaga kung conyo man sa kapihan o pulitiko sa bulwagan Ang kailangan ay mailabas ang tunay na kulay ng katotohanan.


86 views0 comments

Recent Posts

See All

SHIMENET

HALIMAW

Comments


Tonton Contreras Creations

©2022 by Tonton Contreras Creations. Proudly created with Wix.com

bottom of page